6. Ipinagbili kayo sa mga dayuhan,hindi upang lipulin.Ipinasakop kayo sa ibasapagkat ginalit ninyo ang Diyos.
7. Nang maghandog kayo sa mga demonyo sa halip na sa kanya,nilait ninyo ang sa inyo'y lumikha.
8. Kinalimutan ninyo ang Diyos na walang hanggan na sa inyo'y nag-alaga sa pasimula,at dinulutan ng pighati ang Jerusalem na sa inyo'y nag-aruga.
9. Nakita ng Jerusalem ang parusa ng Diyos sa inyoat kanyang sinabi,Mga karatig-bayan ko,ako'y pinararanas ng Diyos ng matinding hirap.
10. Ang mga mamamayan ko'y ipinabihagng walang hanggang Diyos sa kanilang mga kaaway.
11. Maligaya ko silang pinalaki,ngunit nanangis ako sa pagdadalamhati nang sila'y kunin sa akin.
12. Huwag sanang ikagalak ninuman ang aking kasawian.Naiwan akong nangungulila at balo;dahil sa pagkakasala ng aking mga mamamayan.Tinalikuran nila ang Kautusan ng Diyos at ako'y naging isang bayang wasak at tiwangwang.
13. Hindi nila pinahalagahan ang kanyang mga utos.Hindi nila tinunton ang kanyang mga landas.
14. Mga karatig-bayan ko, tingnan ninyo at alalahaninang sinapit ng aking mga mamamayan.Sila'y ipinabihag ng Diyos na walang hanggan.