27. “Lakasan ninyo ang inyong loob, mga anak, tumawag kayo sa Diyos.Aalalahanin kayo ng nagtakda sa inyo na maranasan ang ganitong kalagayan.
28. Noon, kayo ay lumayo sa kanya.Ngayon nama'y magbalik-loob kayo at maglingkod sa kanya nang buong pagsisikap.
29. Ang Diyos na nagpadala sa inyo ng kahirapang itoang siya ring magkakaloob sa inyo ng ligayang walang katapusan kapag kayo'y iniligtas na niya.”
30. Tibayan mo ang iyong loob, Jerusalem,aaliwin ka ng Diyos na sa iyo'y nagbigay ng pangalan.
31. Kawawa ang mga nagpahirap sa iyoat ang natuwa sa iyong pagbagsak.