24. Nakita ng mga karatig-bayan ko nang kayo'y bihagin,ngunit hindi na magtatagal at makikita nilang dumarating ang Diyos na walang hanggan,na puspos ng kaluwalhatian upang kayo'y iligtas.
25. Mga anak, tiisin ninyo ang pagdidisiplina sa inyo ng Diyos.Nabihag kayo ngayon ng inyong mga kaaway,ngunit darating ang araw na makikita ninyo ang kanilang pagbagsakat tatapakan ninyo sila sa leeg.
26. Mga anak kong inaruga, naglakbay kayo sa baku-bakong landas.Para kayong kawan na sinamsam ng kaaway.
27. “Lakasan ninyo ang inyong loob, mga anak, tumawag kayo sa Diyos.Aalalahanin kayo ng nagtakda sa inyo na maranasan ang ganitong kalagayan.
28. Noon, kayo ay lumayo sa kanya.Ngayon nama'y magbalik-loob kayo at maglingkod sa kanya nang buong pagsisikap.
29. Ang Diyos na nagpadala sa inyo ng kahirapang itoang siya ring magkakaloob sa inyo ng ligayang walang katapusan kapag kayo'y iniligtas na niya.”
30. Tibayan mo ang iyong loob, Jerusalem,aaliwin ka ng Diyos na sa iyo'y nagbigay ng pangalan.
31. Kawawa ang mga nagpahirap sa iyoat ang natuwa sa iyong pagbagsak.
32. Kawawa ang mga lunsod na umalipin sa iyong mga anak;kawawa ang lunsod na bumihag sa iyong mga anak.
33. Kung nagdiwang siya noong ika'y bumagsak at mawasak,ngayo'y mananangis naman siya sa daranasin niyang kapahamakan.
34. Pupuksain ko ang marami niyang tauhan na labis niyang ipinagmamayabang,ang pagmamalaki niya'y mauuwi sa panaghoy.
35. Ako ang Diyos na walang hanggan, pauulanan ko siya ng apoy.Masusunog siya sa loob ng maraming araw hanggang sa matupok nang tuluyan,at siya ay paninirahan ng mga demonyo sa loob ng mahabang panahon.
36. Jerusalem, tumingin ka sa silangan,at tingnan mo ang kagalakang dulot sa iyo ng Diyos.