15. Tinawag niya ang isang malayong bansa,walang-habag at iba ang wika,walang paggalang sa matatandaat hindi marunong maawa sa mga bata.
16. Binihag nila ang mga anak ko,at ako'y naiwang nangungulila.
17. “Mga anak, hindi ko kayo matutulungan.
18. Ang nagpadala sa inyo ng kahirapang ito,ang tanging makapagliligtas sa inyo.
19. Lumakad na kayo, mga anak,at iwan ninyo akong nag-iisa.
20. Hinubad ko na ang balabal ng katiwasayanat nagsuot ako ng damit-panluksa.Mananalangin ako sa Diyos na walang hanggan habang ako'y nabubuhay.
21. “Lakasan ninyo ang inyong loob, mga anak.Tumawag kayo sa Diyos at ililigtas niya kayo sa inyong mga kaaway.
22. Nagtitiwala ako na ililigtas kayo ng Diyos na walang hanggan.Nakadarama na ako ng malaking kaaliwan,dahil sa nakikita kong pagkahabag sa inyo ng Banal na Diyos,ang inyong walang hanggang Tagapagligtas.
23. Lumuha ako at nanangis nang kayo'y dinalang-bihag,ngunit muli akong liligaya kapag kayo'y ibinalik na sa akin ng Diyos.