Baruc 4:15-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Tinawag niya ang isang malayong bansa,walang-habag at iba ang wika,walang paggalang sa matatandaat hindi marunong maawa sa mga bata.

16. Binihag nila ang mga anak ko,at ako'y naiwang nangungulila.

17. “Mga anak, hindi ko kayo matutulungan.

18. Ang nagpadala sa inyo ng kahirapang ito,ang tanging makapagliligtas sa inyo.

19. Lumakad na kayo, mga anak,at iwan ninyo akong nag-iisa.

Baruc 4