Baruc 4:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ang Karunungan ang siyang aklat ng mga utos ng Diyos,ang batas na mananatili magpakailanman.Ang manghawak dito'y mabubuhayat ang tumalikod ay mamamatay.

2. O bayang Israel, tanggapin ninyo ang Karununganat lumakad kayo sa kanyang liwanag.

3. Huwag ninyong ibigay sa ibang lahiang inyong karangalan at mga karapatan.

4. Mapalad tayo, mga Israelita,sapagkat alam natin kung ano ang nakalulugod sa Diyos.

Baruc 4