1. Ang Karunungan ang siyang aklat ng mga utos ng Diyos,ang batas na mananatili magpakailanman.Ang manghawak dito'y mabubuhayat ang tumalikod ay mamamatay.
2. O bayang Israel, tanggapin ninyo ang Karununganat lumakad kayo sa kanyang liwanag.
3. Huwag ninyong ibigay sa ibang lahiang inyong karangalan at mga karapatan.
4. Mapalad tayo, mga Israelita,sapagkat alam natin kung ano ang nakalulugod sa Diyos.
5. Lakasan ninyo ang inyong loob, mga kababayan,kayong mga nalabi sa bayang Israel.
6. Ipinagbili kayo sa mga dayuhan,hindi upang lipulin.Ipinasakop kayo sa ibasapagkat ginalit ninyo ang Diyos.
7. Nang maghandog kayo sa mga demonyo sa halip na sa kanya,nilait ninyo ang sa inyo'y lumikha.
8. Kinalimutan ninyo ang Diyos na walang hanggan na sa inyo'y nag-alaga sa pasimula,at dinulutan ng pighati ang Jerusalem na sa inyo'y nag-aruga.
9. Nakita ng Jerusalem ang parusa ng Diyos sa inyoat kanyang sinabi,Mga karatig-bayan ko,ako'y pinararanas ng Diyos ng matinding hirap.
10. Ang mga mamamayan ko'y ipinabihagng walang hanggang Diyos sa kanilang mga kaaway.
11. Maligaya ko silang pinalaki,ngunit nanangis ako sa pagdadalamhati nang sila'y kunin sa akin.
12. Huwag sanang ikagalak ninuman ang aking kasawian.Naiwan akong nangungulila at balo;dahil sa pagkakasala ng aking mga mamamayan.Tinalikuran nila ang Kautusan ng Diyos at ako'y naging isang bayang wasak at tiwangwang.
13. Hindi nila pinahalagahan ang kanyang mga utos.Hindi nila tinunton ang kanyang mga landas.