5. Huwag na po ninyong alalahanin ngayon ang kasalanan ng aming mga ninuno, kundi ang inyong pangalan at kapangyarihan.
6. Sapagkat kayo lamang ang Panginoon naming Diyos, at kayo lamang ang lagi naming pupurihin.
7. Ipinunla ninyo sa aming mga puso ang takot sa inyo upang kami ay tumawag sa inyong pangalan. Sa aming pagkabihag, pupurihin namin kayo, sapagkat tinalikuran na namin ang mga pagkakasalang ginawa sa inyo ng aming mga ninuno.
8. Kami ngayon ay nasa gitna ng mga bansang pinagtapunan ninyo sa amin. Kinukutya at hinahamak nila kami. Pinaparusahan ninyo kami, Panginoon naming Diyos, dahil sa kasamaan ng aming mga ninuno na tumalikod sa inyo.”
9. Dinggin mo, Israel, ang mga kautusang nagbibigay-buhay;makinig ka at nang ikaw ay matuto.
10. Israel, bakit ka nasa lupain ng iyong mga kaaway?Bakit ka tumanda sa ibang lupain?Bakit itinakwil kang parang patay
11. at ibinilang na sa mga nasa Hades?
12. Nangyari ito sapagkat itinakwil mo ang bukal ng Karunungan.
13. Kung lumakad ka lang sa landas ng Diyos,sana'y namumuhay kang matiwasay sa habang panahon.
14. Hanapin mo ang bukal ng pang-unawa, lakas at kaalaman,at malalaman mo kung nasaan ang mahabang buhay,ang liwanag na sa iyo'y papatnubay, at ang kapayapaan.
15. May nakatuklas na ba kung saan nakatira ang Karunungan,o nakapasok sa kanyang taguan ng yaman?