Baruc 3:31-36 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

31. Walang nakakaalam ng daan patungo sa kanya,o nakatuklas ng paraan ng paglapit sa kanya.

32. Ang Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagayang tanging nakakakilala sa Karunungan.Nauunawaan din niya ito sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.Siya ang lumikha at naglagay dito ng lahat ng uri ng mga hayop.

33. Nag-utos siya at lumitaw ang liwanag;nanginginig ito sa takot kapag siya'y tumatawag.

34. Tinawag din niya ang mga bituinat madali silang nagsitugon, “Narito kami.”Lumagay sila sa kani-kanilang lugar at masayang nagniningning para bigyang-lugod ang lumikha sa kanila.

35. Ito ang ating Diyos!Walang makakapantay sa kanya.

36. Alam niya ang daan ng Karunungan,at ito'y ipinagkaloob niya sa lingkod niyang si Jacob,kay Israel na kanyang minamahal.

Baruc 3