21. Naligaw ring tulad nila ang kanilang mga anak.
22. Ang Karunungan ay hindi narinig ng mga Canaanita;hindi ito nakita ng mga taga-Teman.
23. Hindi rin ito natagpuan ng mga anak ni Hagarat ng mga mangangalakal ng Meran at Teman.Pawang nabigo rin ang mga nagkukuwento ng alamatat nagsasaliksik ng karunungan.
24. O Israel, anong laki ng sanlibutang pinaninirahan ng Diyos,at anong lawak ng kanyang nasasakupan.
25. Ito'y walang hangganan at di masusukat ang lapad at taas.
26. Noong unang panahon, isinilang ang mga higante,malalaki't malalakas at batikang mandirigma.
27. Ngunit hindi sila pinili ng Diyos,hindi itinuro sa kanila ang landas ng kaalaman.
28. Pumanaw sila dahil sa kawalan ng karunungan,nalipol sila dahil sa kanilang kamangmangan.
29. May nakaakyat na ba sa kalangitanat nakapagbaba ng Karunungan mula sa mga ulap?
30. Mayroon na bang nagtawid-dagatupang bumili ng Karunungan sa pamamagitan ng ginto?
31. Walang nakakaalam ng daan patungo sa kanya,o nakatuklas ng paraan ng paglapit sa kanya.
32. Ang Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagayang tanging nakakakilala sa Karunungan.Nauunawaan din niya ito sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.Siya ang lumikha at naglagay dito ng lahat ng uri ng mga hayop.
33. Nag-utos siya at lumitaw ang liwanag;nanginginig ito sa takot kapag siya'y tumatawag.
34. Tinawag din niya ang mga bituinat madali silang nagsitugon, “Narito kami.”Lumagay sila sa kani-kanilang lugar at masayang nagniningning para bigyang-lugod ang lumikha sa kanila.