Baruc 3:14-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Hanapin mo ang bukal ng pang-unawa, lakas at kaalaman,at malalaman mo kung nasaan ang mahabang buhay,ang liwanag na sa iyo'y papatnubay, at ang kapayapaan.

15. May nakatuklas na ba kung saan nakatira ang Karunungan,o nakapasok sa kanyang taguan ng yaman?

16. Nasaan ngayon ang mga tagapamahala ng mga bansa,at namamahala sa mababangis na hayop?

17. Nasaan ang mga naglibang sa panghuhuli ng mga ibon?Nasaan ang mga nagtipon ng pilak at gintong pinagkatiwalaan ng tao,at kailanma'y di nasiyahan sa kanilang naimpok?

18. Nasaan ang mga nagsisikap magkamal ng salapingunit wala namang iniwang bakas ng kanilang pinagpaguran?

19. Pumanaw na silang lahat, lumipat na sila sa daigdig ng mga patay,at may pumalit na sa kanila.

20. May lumitaw ngang mga bagong lahi at nanirahan sa lupain.Nakita nga nila ang liwanag ng arawngunit hindi nila nakita ang daan ng kaalaman.Hindi rin nila natuklasan ang landas ng Karununganat hindi rin nila ito nakamtan.

21. Naligaw ring tulad nila ang kanilang mga anak.

22. Ang Karunungan ay hindi narinig ng mga Canaanita;hindi ito nakita ng mga taga-Teman.

23. Hindi rin ito natagpuan ng mga anak ni Hagarat ng mga mangangalakal ng Meran at Teman.Pawang nabigo rin ang mga nagkukuwento ng alamatat nagsasaliksik ng karunungan.

24. O Israel, anong laki ng sanlibutang pinaninirahan ng Diyos,at anong lawak ng kanyang nasasakupan.

25. Ito'y walang hangganan at di masusukat ang lapad at taas.

Baruc 3