Baruc 3:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. “Panginoong Makapangyarihan sa Lahat, Diyos ng Israel, kami po ay tumatawag sa inyo sa gitna ng aming pagdurusa.

2. Dinggin ninyo kami at kahabagan, O Panginoon, sapagkat nagkasala kami sa inyo.

3. Kayo po ang naghahari magpakailanman, samantalang kami'y namamatay at tuluyan nang naglalaho.

Baruc 3