52. “O lupa, dakilain mo ang Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
53. Purihin ninyo ang Panginoon, mga bundok at mga burol;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
54. Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng tumutubo sa lupa;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
55. Purihin ninyo ang Panginoon, mga dagat at mga ilog;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
56. Purihin ninyo ang Panginoon, mga batis at mga bukal;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
57. Purihin ninyo ang Panginoon, mga balyena at lahat ng nilikhang nasa tubig;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
58. Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng ibon sa himpapawid;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
59. Purihin ninyo ang Panginoon, mga kawan at maiilap na hayop;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
60. “Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng tao sa daigdig;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
61. Purihin ninyo ang Panginoon, bansang Israel;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
62. Purihin ninyo ang Panginoon, mga paring naglilingkod sa Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
63. Purihin ninyo ang Panginoon, mga lingkod ng Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.