Awit Ng Tatlong Kabataan 1:50-59 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

50. Purihin ninyo ang Panginoon, yelo at taglamig;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

51. Purihin ninyo ang Panginoon, mga kidlat at mga ulap;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

52. “O lupa, dakilain mo ang Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

53. Purihin ninyo ang Panginoon, mga bundok at mga burol;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

54. Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng tumutubo sa lupa;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

55. Purihin ninyo ang Panginoon, mga dagat at mga ilog;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

56. Purihin ninyo ang Panginoon, mga batis at mga bukal;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

57. Purihin ninyo ang Panginoon, mga balyena at lahat ng nilikhang nasa tubig;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

58. Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng ibon sa himpapawid;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

59. Purihin ninyo ang Panginoon, mga kawan at maiilap na hayop;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Awit Ng Tatlong Kabataan 1