Awit Ng Tatlong Kabataan 1:46-53 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

46. Purihin ninyo ang Panginoon, mga hamog at yelong nalalaglag;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

47. Purihin ninyo ang Panginoon, mga gabi at mga araw;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

48. Purihin ninyo ang Panginoon, liwanag at kadiliman;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

49. Purihin ninyo ang Panginoon, yelo at ginaw;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

50. Purihin ninyo ang Panginoon, yelo at taglamig;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

51. Purihin ninyo ang Panginoon, mga kidlat at mga ulap;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

52. “O lupa, dakilain mo ang Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

53. Purihin ninyo ang Panginoon, mga bundok at mga burol;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Awit Ng Tatlong Kabataan 1