Awit Ng Tatlong Kabataan 1:43-47 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

43. Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng hanging umiihip sa buong daigdig;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

44. Purihin ninyo ang Panginoon, apoy at init;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

45. Purihin ninyo ang Panginoon, matinding lamig at nakakapasong init;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

46. Purihin ninyo ang Panginoon, mga hamog at yelong nalalaglag;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

47. Purihin ninyo ang Panginoon, mga gabi at mga araw;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Awit Ng Tatlong Kabataan 1