26. Ngunit bumabâ ang isang anghel ng Panginoon at sinamahan ang tatlong kabataan. Itinulak ng anghel ang apoy papalayo sa tatlo
27. at ginawang sa paligid nila'y tila may umiihip na napakalamig na hanging parang hamog. Kaya't hindi sila nalapatan ng apoy o nasaktan dahil dito.
28. Habang naroon sa loob ng pugon, ang tatlong kabataan ay sama-samang nagpuri at nagparangal sa Diyos,
29. “Pinupuri ka namin, Panginoon; Diyos ng aming mga ninuno;karapat-dapat po kayong parangalanat dakilain magpakailanman!
30. Purihin po ang iyong marangal at banal na pangalan.Nararapat kang purihin at parangalan magpakailanman.
31. Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;lubhang karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.
32. Purihin ka mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,nakikita po ninyo ang kalaliman, ang daigdig ng mga patay.Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman.
33. Purihin ka, na nakaupo sa maningning mong trono,karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.
34. Purihin ka sa buong sangkalangitan;karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.
35. “Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilikha;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
36. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat, mga kalangitan;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
37. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga anghel ng Panginoon;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
38. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga tubig sa ibabaw ng langit;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
39. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na bumubuo ng kanyang hukbo;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
40. Purihin ninyo ang Panginoon, araw at buwan;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.
41. Purihin ninyo ang Panginoon, mga bituin sa langit;awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.