14. Subalit ngayon, Panginoon, kami ay naging pinakamaliit na bansa.Dahil sa aming mga kasalanan, kami ang pinakaaba ngayon sa sanlibutan.
15. Wala kaming hari, mga propeta, o mga pinuno ngayon.Walang templong mapagdalhan sa mga handog na susunugin, mga hain at insenso;wala man lamang dakong mapaghandugan upang kami ay humingi ng awa mo.
16. Ngunit lumalapit kami sa iyo ngayon na nagsisisi at nagpapakumbabá.Tanggapin mo na kami na parang nag-aalay ng mga barakong tupa at toro,at libu-libong matatabang tupa na susunugin bilang handog sa iyong harapan.
17. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handogupang kami'y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.Walang nagtiwala sa iyo na nabigo.
18. Simula ngayon, buong puso kaming susunod sa iyo,sasamba at magpupuri sa iyo.
19. Huwag mo kaming biguin.Sapagkat ikaw ay maamo at mapagkalinga,kahabagan mo kami at saklolohan.
20. Muli mong iparanas sa amin ang iyong kahanga-hangang pagliligtasupang muling dakilain ang iyong pangalan, Panginoon.
21. “Mapahiya nawa ang lahat ng nananakit sa amin na iyong mga alipin;alisin mo ang kanilang kapangyarihan,at durugin ang kanilang lakas.
22. Ipakita mong ikaw lamang ang Panginoong Diyosna makapangyarihan at dakila sa buong sanlibutan.”
23. Ang mga alipin ng hari na naghagis sa tatlong kabataang lalaki sa pugon ay patuloy na naghahagis doon ng mga pampaningas: langis, alkitran, dayami at mga sanga ng kahoy,
24. anupa't tumaas nang mahigit dalawampu't dalawang metro ang apoy.
25. Lumabas ang ningas at nasunog ang mga taga-Babilonia na nakatayo malapit sa pugon.