4. Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa;ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang.
5. Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito;ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo.
6. Ang panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala niyon;ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon.
7. Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi;ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita.
8. Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot;ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.