Ang Awit Ni Solomon 5:4-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Nang hawakan ng mahal ko ang susian nitong pinto,damdamin ko ay sumigla, lumundag ang aking puso.

5. Ako ay bumangon upang siya ay pagbuksan,binasa ko ng mira itong aking mga kamay,at ako ay lumapit sa pinto ng aming bahay.

6. Ngunit nang siya'y pagbuksan ko, hindi ko na inabutan.Hinanap ko nang hinanap ngunit hindi natagpuan.Sa laki ng pananabik na tinig niya'y mapakinggan,tinawag ko nang tinawag ngunit walang kasagutan.

7. Ang mahal ko ay hinanap, di tumigil, di naglubay,hanggang ako ay mahuli, mga tanod nitong bayan.Hinagupit nila ako, walang awang sinugatan,balabal ko ay hinatak, pinunit pa at ginutay.

Ang Awit Ni Solomon 5