8. Ako ang Panginoong Yahweh na nagmamasid sa makasalanang kaharian ng Israel.Lilipulin ko sila sa balat ng lupa,ngunit di ko lubusang pupuksain ang lahi ni Jacob.
9. “Iuutos kong ligliginang bayan ng Israel kasama ng lahat ng bansa;tulad ng pag-alog sa salaan,ngunit walang butil na babagsak sa lupa.
10. Ang mga makasalanan sa aking bayan ay masasawi sa digmaan;lahat ng nagsasabing, ‘Hindi ipahihintulot ng Diyos na tayo'y mapahamak.’”
11. “Sa araw na iyon, ibabangon kong muliang nawasak na kaharian ni David,at aayusin kong muli ang mga nasirang dako.Ibabalik ang mga guho;itatayo kong muli iyon, kagaya noong una.
12. Sa gayon ay sasakupin ng Israel ang nalalabi sa lupain ng Edomat ang lahat ng bansang dati'y aking pag-aari,”sabi ni Yahweh na siyang gagawa ng mga bagay na ito.