14. Ibabalik ko sa kanilang lupain ang aking bayan.Itatayo nilang muli ang kanilang mga lunsod na nawasak, at doon sila maninirahan.Tatamnan nilang muli ang mga ubasan at sila'y iinom ng alak.Magtatanim silang muli sa mga halamanan at kakain ng mga bunga niyon.
15. Ibabalik ko ang Israel sa lupaing ibinigay ko sa kanila,at hindi na sila maaalis pang muli roon.”Si Yahweh na inyong Diyos ang nagsasalita.