7. Kahabag-habag kayo na nagkakait ng katarunganat yumuyurak sa karapatan ng mga tao!
8. Nilikha ni Yahweh ang Pleyades at ang Orion.Itinatakda niya ang araw at ang gabi.Tinipon niya ang tubig mula sa karagatan,upang muling ibuhos sa sangkalupaan;Yahweh ang kanyang pangalan.
9. Winawasak niya ang mga kuta at dinudurog ang mga tanggulan.
10. Namumuhi kayo sa naninindigan sa katarungan,at hinahamak ang nagsasabi ng katotohanan.
11. Ginigipit ninyo ang mahihirapat hinuhuthot ang kanilang ani.Kaya't hindi ninyo matitirhan ang bahay na batong inyong itinayo,ni malalasap man lang ang alak mula sa malalawak ninyong ubasan.
12. Alam ko kung gaano karami ang inyong ginawang kasamaan,at kung gaano kabigat ang inyong mga kasalanan.Kayo'y humihingi ng suhol sa mga taong matuwid,at ipinagkakait ninyo sa mga mahihirap ang katarungan.
13. Naghahari ang kasamaan sa panahong ito;kaya't kung ika'y matalino, mananahimik ka na lang.
14. Gawin mo ang matuwid, hindi ang masama,upang ikaw ay mabuhay.Sa gayon, sasaiyo si Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,tulad ng sinasabi mo.
15. Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti.Pairalin mo sa mga hukuman ang katarungan,baka sakaling kahabagan ni Yahwehang matitirang buháy sa lahi ni Jose.
16. Kaya't sinasabi ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Panginoon,“Maririnig sa mga lansangan ang mga pagtangis;at ang mga paghihinagpis sa mga liwasan.Pati ang mga magsasaka ay makikidalamhati,kasama ng mga bayarang taga-iyak.
17. May mga pagtangis sa bawat ubasan,sapagkat darating na ako sa inyong kalagitnaan.”
18. Kahabag-habag kayo na naghihintay sa pagdating ng araw ni Yahweh!Bakit ninyo hinihintay ang araw na iyon?Iyon ay magiging araw ng kadiliman, hindi ng kaliwanagan.
19. Para kayong umiwas sa leon ngunit oso ang nasagupa!O kaya'y gaya ng isang taong umuwi sa bahay,ngunit pagsandal sa dingding ay tinuklaw ng ahas!
20. Magiging pusikit na kadiliman at hindi kaliwanagan ang araw ni Yahweh;araw na napakalungkot at napakadilim!
21. “Namumuhi ako sa inyong mga handaan,hindi ako nalulugod sa inyong mga banal na pagtitipon.