Amos 5:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang panaghoy kong ito tungkol sa inyo:

2. Nabuwal ang Israel at di na makakabangon.Nakahandusay siya at sa kanya'y walang tumutulong.

3. Sinabi ng Panginoong Yahweh,“Sa sanlibong kawal na inatasan ng isang lunsod,iisang daan ang makakabalik;sa sandaan namang inatasan ng isa pang lunsod,ang makakabalik ay sampu na lamang.”

4. Ito pa ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Israel:“Lumapit kayo sa akin at kayo'y mabubuhay;

5. huwag kayong pumunta sa Bethel upang humingi ng tulong;huwag kayong pumunta doon sa Beer-seba,sapagkat ang mga taga-Gilgal ay tiyak na mabibihag,at ang Bethel ay mawawalang kabuluhan.”

6. Lumapit kayo kay Yahweh at kayo'y mabubuhay.Kung hindi, bababâ siyang parang apoy sa mga anak ni Jose,susunugin ang Bethel at walang makakasugpo sa apoy na ito.

Amos 5