Amos 3:1-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Pakinggan ninyo, mga taga-Israel, itong sinabi ni Yahweh laban sa inyo na inilabas niya mula sa Egipto:

2. “Sa lahat ng bansa sa ibabaw ng lupa,kayo lamang ang aking itinangi at inalagaan.Kaya't kayo'y aking paparusahandahil sa inyong mga kasalanan.”

3. Maaari bang magsama sa paglalakbayang dalawang taong hindi nagkakasundo?

4. Umuungal ba ang leon sa kagubatankung wala siyang mabibiktima?Umaatungal ba ang batang leon sa loob ng yungib,kung wala siyang nahuling anuman?

5. Mabibitag ba ang isang ibonkung hindi pinainan?Iigkas ba ang bitagkung ito'y walang huli?

6. Kapag ang mga trumpeta'y humudyat sa lunsod,hindi ba't manginginig sa takot ang mga tao?Kapag may sakunang dumating sa lunsod,hindi ba si Yahweh ang may gawa niyon?

7. Tunay na ang Panginoong Yahweh ay di kumikilos,kung hindi pa ipinababatid sa mga lingkod niyang propeta.

8. Kapag umungal ang leon,sino ang hindi matatakot?Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh,sinong hindi magpapahayag?

9. Ipahayag mo sa mga nakatira sa mga tanggulan ng Asdod,at sa mga tanggulan ng Egipto,“Magtipon kayo sa mga bundok ng Samaria,tingnan ninyo ang malaking kaguluhan doon,maging ang nagaganap na pang-aapi sa lunsod.”

Amos 3