Amos 2:3-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Papatayin ko ang hari ng Moab,gayundin ang mga pinuno sa lupaing iyon.”

4. Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Juda,kaya sila'y paparusahan ko.Hinamak nila ang aking mga katuruan;nilabag nila ang aking mga kautusan.Iniligaw sila ng mga diyus-diyosangpinaglingkuran ng kanilang mga ninuno.

5. Susunugin ko ang Juda;tutupukin ko ang mga tanggulan ng Jerusalem.”

6. Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Israel,kaya sila'y paparusahan ko.Dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga matutuwid,at ibinentang alipin sa halagang isang pares ng sandalyas ang mga taong hindi makabayad ng utang.

7. Niyuyurakan nila ang mga aba;ipinagtutulakan nila ang mahihirap.Nakikipagtalik ang mag-ama sa iisang babaing alipin,kaya't nalalapastangan ang aking banal na pangalan.

8. Ginagamit nilang higaan sa tabi ng alinmang altarang balabal na sangla ng isang may utang.Sa templo ng kanilang Diyos, sila'y nag-iinumanng alak na binili sa salaping ninakaw sa mga dukha.

Amos 2