5. Ang isang manlalaro ay hindi maaaring manalo kung hindi sumusunod sa mga alituntunin ng laro.
6. Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat munang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan.
7. Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.
8. Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang Magandang Balitang ipinapangaral ko,
9. at siya ring dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo na parang isang kriminal. Subalit hindi kailanman maibibilanggo ang salita ng Diyos.
10. Pinapagtiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magkaroon sila ng kaligtasan at walang hanggang buhay na mula kay Cristo Jesus.
11. Totoo ang kasabihang ito:“Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo,mabubuhay din tayong kasama niya.
12. Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito,maghahari din tayong kapiling niya.Kapag siya'y ating ikinahiya,ikakahiya rin niya tayo.
13. Kung tayo man ay hindi tapat,siya'y nananatiling tapat pa rinsapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”
14. Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito at pagbilinan mo sila, sa pangalan ng Diyos, na iwasan nila ang mga debateng walang kabuluhan at walang ibinubungang mabuti; sa halip, ito'y nagpapahamak lamang sa mga nakikinig.
15. Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.