12. at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa nang ganito. Ngunit hindi ako nahihiya, sapagkat lubos kong kilala ang aking sinasampalatayanan at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa wakas ang ipinagkatiwala ko sa kanya.
13. Gawin mong batayan ang mabubuting aral na itinuro ko sa iyo, at manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
14. Sa tulong ng Espiritu Santo na nananatili sa atin, ingatan mo ang lahat ng magagandang bagay na ipinagkatiwala sa iyo.
15. Alam mong ako'y iniwan ng lahat ng kapatid natin sa Asia, pati na nina Figelo at Hermogenes.