23. Ito ang mga opisyal ng hukbo ni Haring David: Si Joab ang pinuno sa buong hukbo ng Israel. Si Benaias, anak ni Joiada, ang pinuno ng mga bantay na Kereteo at Peleteo.
24. Si Adoram naman ang tagapamahala sa lahat ng sapilitang paggawa. Si Jehoshafat, anak ni Ahilud, ang tagapag-ingat ng mga kasulatan,
25. at si Seva naman ang kalihim ng hari. Sina Zadok at Abiatar ang nagsilbing mga pari,
26. at si Ira na taga-Jair ay isa rin sa mga pari ni David.