2. Kaya't lumakad si David kasama ang dalawa niyang asawa, sina Ahinoam na Jezreelita, at si Abigail, ang biyuda ni Nabal na taga-Carmel.
3. Isinama rin ni David ang kanyang mga tauhan pati ang kani-kanilang pamilya.
4. Dumating sa Hebron ang mga taga-Juda at binuhusan nila ng langis si David bilang hari ng Juda.Nang sabihin nila kay David, “Ang mga taga-Jabes-gilead ang naglibing kay Saul,”
5. nagpadala siya ng mga tauhan sa mga taong iyon dala ang pagbating, “Nawa'y pagpalain kayo ni Yahweh sa kagandahang-loob at kabutihang ginawa ninyo sa panginoon ninyong si Saul, nang siya'y inyong ilibing.