2 Samuel 1:3-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. “Saan ka galing?” tanong ni David.“Tumakas po ako sa kampo ng Israel,” sagot ng lalaki.

4. “Bakit? Ano bang nangyari?” tanong ni David.“Umatras po sa labanan ang hukbo at maraming mga kawal ang napatay. Napatay rin po ang mag-amang Saul at Jonatan,” sagot ng lalaki.

5. “Paano mo nalamang napatay sina Saul at si Jonatan?” tanong ni David.

6. Isinalaysay ng lalaki ang pangyayari. “Nagkataon pong ako'y nasa Bundok ng Gilboa. Nakita ko pong hinahabol si Haring Saul ng mga kaaway sakay ng mga karwahe at kabayo. Noon po'y nakasandal siya sa kanyang sibat.

7. Nang ako'y kanyang makita, tinanong niya kung sino ako.

2 Samuel 1