2 Pedro 1:1-2 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mula kay Simon Pedro, isang lingkod at apostol ni Jesu-Cristo—Para sa inyong lahat na tulad nami'y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.

2. Sumagana nawa sa inyo ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos sa pamamagitan ng inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Jesus.

2 Pedro 1