2 Mga Taga-Corinto 5:4-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo'y naghihinagpis at dumaraing, hindi dahil nais na nating iwaksi ang katawang panlupa, kundi dahil nais na nating mabihisan ng katawang panlangit. Sa gayon, ang buhay na may katapusan ay mapapalitan ng buhay na walang hanggan.

5. Ang Diyos mismo ang nagtalaga sa atin para sa ganitong pagbabago, at ibinigay niya sa atin ang Espiritu bilang katibayan na ito'y matutupad.

6. Kaya't laging malakas ang ating loob, kahit na alam nating habang tayo'y narito pa sa katawang-lupa, hindi tayo makakapasok sa tahanang inihanda ng Panginoon.

2 Mga Taga-Corinto 5