2 Mga Taga-Corinto 12:10-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma'y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.

11. Ako'y nag-asal hangal, ngunit kayo ang nagtulak sa aking gumawa niyon. Kayo sana ang dapat pumuri sa akin, dahil kahit na wala akong kabuluhan, hindi naman ako nahuhuli sa magagaling na apostol na iyan.

12. Buong tiyaga kong pinatotohanan sa inyo na ako'y isang tunay na apostol sa pamamagitan ng mga himala at iba pang mga kamangha-manghang bagay.

2 Mga Taga-Corinto 12