2 Mga Taga-Corinto 11:13-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Hindi sila tunay na apostol, kundi mga nandaraya lamang at nagkukunwaring mga apostol ni Cristo.

14. Hindi ito dapat pagtakhan sapagkat si Satanas man ay maaaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan.

15. Kaya, hindi kataka-taka na magkunwaring lingkod ng katuwiran ang kanyang mga lingkod. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang mga gawa.

2 Mga Taga-Corinto 11