2 Mga Hari 4:32-35 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

32. Nagtuloy si Eliseo sa kanyang silid at nakita niya ang bangkay sa kanyang higaan.

33. Isinara niya ang pinto at nanalangin kay Yahweh.

34. Dinapaan niya ang bangkay at hinawakan ang mga kamay nito. Pagkatapos, itinapat niya sa bibig at mata ng bangkay ang kanyang bibig at mata. At unti-unting uminit ang bangkay.

35. Tumayo si Eliseo at nagpabalik-balik sa loob ng silid. Muli niyang dinapaan ang bangkay. At ang bata'y bumahin nang pitong beses, saka idinilat ang mga mata.

2 Mga Hari 4