2 Mga Hari 3:5-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Ngunit nang mamatay si Ahab, naghimagsik siya laban sa Israel.

6. Kaya, mula sa Samaria'y tinipon ni Haring Joram ang lahat ng mga kawal ng Israel.

7. Nagpadala siya ng sugo kay Haring Jehoshafat ng Juda at ipinasabing naghimagsik laban sa kanya ang hari ng Moab. Ipinatanong niya kung tutulungan siya sa pakikipagdigma laban dito. Ganito naman ang sagot ni Jehoshafat: “Tutulungan kita sampu ng aking mga tauhan at kabayo.

8. Saan kami dadaan sa aming paglusob?” tanong pa niya.“Sa ilang ng Edom,” sagot ni Joram.

2 Mga Hari 3