2 Mga Hari 19:19-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Kaya ngayon, Yahweh, iligtas po ninyo kami kay Senaquerib para malaman ng buong daigdig na kayo lamang ang kaisa-isang Diyos.”

20. Nagpadala ng sugo si Isaias kay Ezequias at ipinasabi ang ganito: “Ipinapasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na narinig niya ang panalangin mo tungkol sa hari ng Asiria.

21. Ito naman ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Senaquerib:‘Pinagtatawanan ka, Senaquerib, ng anak ng Zion;kinukutya ka at nililibak!Inaalipusta ka ng lunsod ng Jerusalem.

22. “‘Sino ba ang iyong nilalait at pinagtatawanan,at hinahamak ng iyong pagsigaw?Hindi mo na ako iginalang,ang Banal na Diyos ng Israel!

2 Mga Hari 19