2 Mga Hari 1:5-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Nang magbalik ang mga inutusan ng hari, sila'y tinanong nito, “Bakit kayo bumalik?”

6. Sinabi nila, “May nasalubong po kaming tao. Pinabalik niya kami at ipinapatanong sa inyo kung wala nang Diyos ang Israel kaya kay Baalzebub na diyos ng Ekron na kayo sasangguni? Hindi na raw kayo gagaling. Mamamatay na raw kayo sa sakit ninyong iyan.”

7. “Ano ang hitsura ng taong nagsabi nito sa inyo?” tanong ng hari.

8. “Mabalahibo po ang kanyang kasuotan at nakasinturon ng balat,” sagot nila.“Si Elias iyon na taga-Tisbe,” sabi ng hari.

2 Mga Hari 1