2 Mga Cronica 30:11-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. Mayroon din namang ilan mula sa Asher, Manases at Zebulun na nagpakumbabá at pumunta sa Jerusalem.

12. Ngunit niloob ng Diyos na dumalong lahat ang mga taga-Juda at magkaisa silang sumunod sa utos ng hari at ng mga pinuno nila ayon sa salita ni Yahweh.

13. Napakaraming pumunta sa Jerusalem noong ikalawang buwan upang ipagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.

2 Mga Cronica 30