2 Mga Cronica 24:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Pitong taóng gulang si Joas nang siya'y maging hari at apatnapung taon siyang naghari sa Jerusalem. Ang kanyang ina ay si Sibias na taga-Beer-seba.

2. Kalugud-lugod sa paningin ni Yahweh ang lahat ng ginawa niya habang nabubuhay ang paring si Joiada.

3. Ikinuha ni Joiada si Joas ng dalawang asawa at nagkaroon siya sa mga ito ng maraming anak na lalaki at babae.

4. Hindi nagtagal, ipinasya ni Joas na ipaayos ang mga sira sa Templo ni Yahweh.

2 Mga Cronica 24