2 Macabeo 8:33 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

Ipinagdiwang nila sa kanilang lunsod ang kanilang pagtatagumpay. Sa pagdiriwang na iyo'y sinunog nila ang mga taong sumunog sa mga pintuan ng Templo. Isa sa mga iyon ay si Calistenes na nagtago sa isang maliit na bahay. Sa kanyang sinapit, tinanggap niya ang parusang nauukol sa ginawa niyang kasamaan.

2 Macabeo 8

2 Macabeo 8:31-36