33. Hindi ito magtatagal at mababalik na muli ang kanyang pagtingin sa aming lahat na mga lingkod niya.
34. Ngunit ikaw na ubod ng sama sa lahat ng tao ay huwag umasa sa wala, ni masilaw sa kinang ng katanyagan sa ginagawa mong pagpapahirap na ito sa mga anak ng Diyos!
35. Hindi ka makakaiwas sa hatol ng Makapangyarihang Diyos na nakakakita ng lahat.
36. Tiniis ng mga kapatid ko ang iyong pagpaparusa alang-alang sa tipan ng Diyos ngunit ngayo'y natamo nila ang buhay na walang hanggan. Ikaw na ubod ng yabang ay tatanggap ng parusang nauukol sa iyo.
37. Tulad ng mga kapatid ko, inihahandog ko rin ang aking sarili, ang aking buhay, alang-alang sa utos ng Diyos na sinusunod ng aming mga ninuno. Idinadalangin kong kahabagan nawa ng Diyos ang aming bansa sa lalong madaling panahon, at danasin mo naman ang kahirapan at kaparusahan niya upang kilalanin mong siya lamang ang Diyos.
38. Sa sinapit naming magkakapatid, maglubag nawa ang galit ng Makapangyarihan sa aming bansang nagtitiis ngayon alinsunod sa makatarungan niyang kalooban.”
39. Nang marinig ito ng hari, lalong nag-ibayo ang kanyang galit, at pinarusahan siya nang lalo pang mabigat kaysa sa mga nauna.
40. Namatay siyang lubos na nagtitiwala sa Diyos at hindi sumusuway sa kanyang mga utos.