2 Macabeo 6:11-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. Minsan naman, mayroong mga nagtago sa mga yungib para lamang makasamba sa Diyos sa Araw ng Pamamahinga. May nagsumbong kay Felipe tungkol dito, kaya't sila'y hinuli at sinunog. Sa laki ng paggalang nila sa Araw ng Pamamahinga, hindi na nila inisip na ipagtanggol ang sarili.

12. Sa sinumang bumabasa ng aklat na ito, ang pakiusap ko'y huwag masisiraan ng loob. Isipin lamang ninyo na ito'y paraan ng Panginoon upang disiplinahin at sa gayo'y ituwid ang kanyang bansa, at hindi upang ganap na wasakin ito.

13. Sa katunayan, ang agarang pagpaparusa sa makasalanan sa halip na pagtagalin pa sila sa gayong katayuan ay pagpapakita ng habag.

14. Sa ibang bansa'y hindi ganito ang pakikitungo ng Panginoon—matiyaga siyang naghihintay hanggang sa sumapit sa sukdulan ang kanilang kasalanan, saka siya nagpaparusa.

15. Ngunit tayo'y kanyang pinaparusahan agad bago umabot sa sukdulan ang ating mga kasalanan.

16. Lagi niya tayong kinahahabagan, at kung tayo ma'y nakakaranas ng iba't ibang kahirapan, hindi nangangahulugang tayo'y nililimot niya o pinababayaan.

17. Itong mga sinabi ko'y isa lamang paalala. Ngayon, ipagpatuloy natin ang kasaysayan.

2 Macabeo 6