7. Ang wakas ng ginawa niya'y malaking kahihiyan. Sa kabila ng lahat, hindi rin siya nagtagumpay sa pag-agaw sa pamamahala. Sa halip ay napilitan siyang tumakas na muli at magtago sa lupain ng mga Ammonita. Walang kinahinatnan ang kanyang masamang balak kundi pawang kabiguan lamang.
8. Kahabag-habag ang naging wakas ng kanyang buhay. Ipinakulong siya ni Aretas, hari ng mga Arabo. Siya'y ibinilang na isang kriminal at tinugis ng lahat, kaya't nagtago sa iba't ibang lunsod. Kinamuhian siya dahil sa pagsuway niya sa kautusan at sa pagtataksil niya sa kanyang sariling bayan. Nagtago siya sa Egipto,
9. at mula roo'y tumawid ng dagat at nagpunta sa Esparta sa pag-asang siya'y ipagsasanggalang doon dahilan sa kaugnayan ng mga Judio at mga taga-Esparta. Ang taong ito, na naging sanhi ng pagkakatapon sa malalayong lupain ng marami niyang kababayan ay sa malayong bayan namatay.