Pagdating sa palasyo'y ipinakilala siya sa hari, at pinapaniwala niya ito sa taglay niyang kakayahan at kapangyarihan. Inalok niya ang hari ng napakalaking halaga—10,500 kilong pilak ang kahigitan sa ibinigay ni Jason—kaya't naagaw niya rito ang pagka-Pinakapunong Pari.