2 Macabeo 4:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Si Simon, na nabanggit na noong una na siyang nagsumbong sa hari tungkol sa labis-labis na kayamanan sa templo, ay gumawa na naman ng pagmamalabis. Pinaratangan niyang si Onias ang nagbanta kay Heliodoro at siya ring pinagmulan ng sinapit nitong kapahamakan.

2. Pinagbintangan niya ng paghihimagsik si Onias, na kilalang mapagkawanggawa sa lunsod, tagapagtanggol ng mga kababayan at matapat sa pagtupad ng mga utos ng Diyos.

3. Naging malubha ang alitan, at ang mga tauhan ni Simon ay pumapatay na.

4. Ang paglakas ng panig ng mga sumasalungat ay nadama na ni Onias, sapagkat kasabwat na rin ni Simon pati si Apolonio na anak ni Menesteo, ang gobernador ng Celesiria at Fenicia.

5. Kaya't nagpunta siya sa hari, hindi upang paratangan ang mga kababayan niya kundi upang makiusap para sa kapakinabangan ng lipunan at ng bawat mamamayan.

2 Macabeo 4