2 Macabeo 3:38-40 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

38. “Kung may kaaway po kayo o may sinumang laban sa inyong pamahalaan, siya ang inyong ipadala. Makikita ninyo na kung makakabalik pa siyang buháy, siya'y nasa kalagayang hindi na makakalaban pa. Mayroon pong banal na kapangyarihan doong magpaparusa sa kanya.

39. Ang Diyos sa kalangitan ang nangangalaga sa pook na iyon, at sinumang mangahas manakit doon ay napapahamak.”

40. Ito ang ulat ng kasaysayan ni Heliodoro at kung paano iningatan ang kayamanan sa Templo.

2 Macabeo 3