Nilusob nga nila ang toreng pinagkukublihan ni Razis at malapit nang makuha. Habang pinagsisikapan nilang buksan ang pintuang-pasukan, ang mga kawal ay nag-utos din na sunugin ang pinto. Nawalan na ng pag-asa si Razis na siya'y makakaligtas, kaya't nagsaksak siya sa sarili.