1. Pagkalipas ng tatlong taon, nalaman ni Judas at ng mga tauhan nito na si Demetrio, kaanak ni Seleuco ay nagdala ng isang malaking hukbong-lakad at hukbong-dagat na pumasok sa daungan ng Tripolis.
2. Nalaman niyang nakuha nito ang lupaing iyon matapos mapatay si Antioco at si Lisias.
3. May isang dating Pinakapunong Pari na ang pangala'y Alcimo na nakikiisa sa pamumuhay Griego noong panahon ng paghihimagsik. Alam niyang sa ginawa niyang ito'y hindi siya mababalik bilang Pinakapunong Pari, at dahil galit ang mga Judio sa kanya, nabahala siya.
4. Kaya't naisipan niyang lumapit kay Haring Demetrio. Noo'y taóng 151. Nagdala siya ng isang gintong korona at mga sanga ng palma at olibo buhat sa Templo at inihandog ito sa hari. Ngunit wala siyang sinabing anuman tungkol sa kanyang mga binabalak.
5. Dumating ang isang magandang pagkakataon na matupad ang masama niyang binabalak nang anyayahan siya ni Demetrio sa isang pulong ng konseho upang hingan ng kuru-kuro tungkol sa mga binabalak ng mga Judio.Ganito ang kanyang sinabi: